|
||||||||
|
||
Melo 20160420
|
Kontrobersya sa Kidapawan, lumawak na
HIGIT na lumawak ang bilang ng mga nanawagang bigyang katarungan ang mga naging biktima ng marahas na dispersal operations sa Kidapawan City noong nakalipas na Biyernes, Abril a-uno.
Higit sa 200 social movements at civil society organizations mula sa higit sa 60 bansa ang lumagda sa isang liham na humihiling kay Dr. Hilal Elber, United Nations Special Rapporteur on Right to Food na magsiyasat sa pagkasawi ng dalawang magsasaka at 'di pagkakatugon ng pamahalaan sa kalagayan ng mga nagugutom na mga magsasaka't katutubo dulot ng El Nino.
Higit sa isang daang katao ang nasugatan sa insidente. May 80 katao ang dinakip at kabilang sa nabimbin ang tatlong nagdadalang tao, anim na matatanda at apat na menor de edad.
Pinamunuan ng Peoples Coalition on Food Sovereignty at ilang mga samahan sa Europa, America, Africa, Gitnang Silangan at Asia ang naglabas ng mga pahayag na kumukondena sa karahasang nagawa laban sa mga magsasaka at mga katutubo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |