|
||||||||
|
||
Mga magsasakang mula sa Kidapawan, dadalo sa pagdinig
DUMATING na ang mga magsasakang mula sa Kidapawan City kahapon at dadalo sa pagdinig ng Senado hinggil sa madugong dispersal operations noong unang araw ng Abril.
Kabilang sa delegasyon si Gng. Valentina Berdin, 78-taong gulang, na nakasama sa mga dinakip , ipinagsakdal at piniit ng may dalawang linggo kasama ang may 77 iba pa. Nakalaya lamang sila sa pamamagitan ng pagbabayad ng piyansa.
Kasama ni Gng. Berdin si Ebao Sulang, magulang ng napaslang na si Darwin. Nakatakda silang magsalita sa gagawing pagsisiyasat upang mabatid ang tunay na kalagayan sa North Cotabato.
Nagprotesta ang mga magsasaka sa 'di pagdalo ng pamahalaan sa kanilang mga kahilingan dulot ng El Nino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |