|
||||||||
|
||
Foreign Secretary Almendras, dumalaw sa Laos
SECRETARY ALMENDRAS DUMALAW SA LAOS. Nakipagpulong si Secretary Jose Rene Almendras kay Laotian Prime Minister Thongsing at nagpahayag ng suporta ng Pilipinas sa pamumuno ng Laos sa ASEAN ngayong 2016. Tiniyak naman ni Prime Minister Thongsing ang pakikiisa ng kanyang bansa sa pangunguna ng Pilipinas sa ASEAN sa 2017. (DFA Photo)
NAKIPAGKITA si Foreign Affairs Secretary Jose Rene D. Almendras kay Minister Thongkloun Sisoulith ng Laos. Dumalaw na rin siya kay Prime Minister Thingsing Thammavong at nakausap din si Deputy Foreign Minister Saleumxay Kommasith.
Nangako ang dalawang kalihim na higit na patitibayin ang relasyon ng dalawang bansa na may anim na dekada na. Umaasa silang magtatagumpay ang pagdaraos ng Joint Commission for Bilateral Cooperation ng dalawang bansa sa Laos ngayong taong ito.
Nagkasundo rin silang palalawakin ang relasyon ng dalawang bansa sa larangan ng kalakal, edukasyon, palakasan, turismo, human resource development at mga bagong ugnayan.
Inanyayahan din ni Secretary Almendras ang mga taga-Laos na magpadala ng delegasyon sa Pilipinas upang mag-aral at matuto sa mga karanasan ng mga Filiipino sa larangan ng technical vocation at humanitarian assistance at disaster relief.
Tiniyak ni Secretary Almendras ang suporta ng Pilipinas sa pangangasiwa nito sa liderato ng Laos sa ASEAN ngayong 2016. Nagpahayag naman si Minister Thongkloun ng pagsuprota sa Pilipinas sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.
Sa kanyang pagharap sa Filipino Community, nanawagan si Secretary Almendras na pagtuonan ng pansin ang mga nagaganap sa Pilipinas at lumahok sa halalan sa pamamagitan ng overseas absentee voting.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |