|
||||||||
|
||
Canada, nagpasalamat sa Moro Islamic Liberation Front
PINURI at pinasalamatan ng Canada ang Moro Islamic Liberation Front sa pagpapatuloy ng pakikipagtulungan sa United Nations upang matapos ang paggamit ng mga menor de edad bilang mga mandirigma sa Mindanao.
Sa pagdalaw ni Canadian Ambassador to Manila Neil Reeder at ng mga tauhan ng UNICEF sa Camp Darapanan sa Maguindanao upang magbukas ng isang workshop, ipinaliwanag niyang suportado ng kanyang pamahalan ang balak ng MILF at United Nations upang matiyak na walang mga batang makakasama sa hanay ng kanilang mga mandirigma.
Kinikilala na ang mga kabataan at inihihiwalay na sila upang sumailalim ng rehabilitasyon ng mga nagamit sa pakikipaglaban. Ipinaliwanag ni Ambassador Reeder na hindi kailanman nararapat makalahok ang mga kabataan sa digmaan.
Binanggit na ng United Nations Children's Fund na nagbabalak na ang MILF na tapusin ang paggamit ng mga bata bilang mga mandigrigma na nag-iisang matagumpay na proseso sa buong daigdig.
Ayon kay Ambassador Reeder, ang pagpapatupad ng balak ang makatutulong sa MILF na hubugin ang mga kabataan mula sa pagiging mga mandirigman at maging mahahalagang bahagi ng lipunan.
Matagal ng kabalikat ang Canada sa peace process sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |