|
||||||||
|
||
Comelec at Smartmatic, nararapat magpaliwanag
KAILANGANG linawin ng Commission on Elections at Smartmatic sa mga mamamayan at sa Kongreso kung anong naganap noong Lunes sa araw ng halalan. Inamin ng Comelec na may 2,363 voting counting machines o 2.55 % ng lahat ng mga ginamit na makina sa bansa ang nasira at mayroong 150 ang kinailangang palitan.
Nararapat lamang na huwag munang bayaran ng pamahalaan ang nalalabing halaga mula sa P 8 bilyon kabayaran sa Smartmatic. Nanawagan ang Kontradaya sa pamahalaan na huwag nang pahintulutan ang Smarmatic sa mga susunot na halalan. Sa pagpayag sa isang banyagang kumpanyang magpatakbo ng halalan sa Pilipinas ay isa nang anomaly. Ang pagpayag ng pamahalaan sa Smartmatic na gamitin sa tatlongmagkakasunod na halalan ay isang trahedya.
Sa isang pahayag, kahit na ang 90% transmission rate na ibinalita ng Comelec noong May nueve at diez ay nakaloloko. Sa mga naibalita sa media, ang mga VCM ay hindi makapagpadala ng nabilang na boto tulad ng ipinangako ng Smartmatic. Maraming election returns ang dinala sa canvassing centers na nagkaroon ng manual uploading ng nilalaman ng SD cards. Ang mga ito ay lumabas sa transparency servers bilang transmitted results.
Ayon sa Kontradaya, marapat lamang ihayag ng Comelec at Smartmatic kung ilang returns ang naipadala mula sa mga presinto ay ilan ang kinailangang dalhin at maikarga mismo sa canvassing centers.
Kumita na umano ang Smartmatic ng higit sa P 18 bilyon sa tatlong magkakasunod na halalan, dagdag pa ng Kontradaya.
Mismong ang Commission on Elections ang nagsabing noong 2013 elections, 4,760 mula sa 77,829 precinct count optical scan machines ang nagkaroon ng aberya at 171 ang nangailangan ng kapalit. Noong 2010 elections, 1,966 machines (mula sa 76,437 PCOS machines) ang nagkaroon ng glitches at 205 ang kinailangang palitan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |