Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kontrobersya sa ginawa ng Smartmatic, lumalim pa

(GMT+08:00) 2016-05-13 18:32:05       CRI

Kontrobersya sa ginawa ng Smartmatic, lumalim pa

SINABON ni Election Commissioner Rowena Guanzon ang election technology provider na Smartmatic sa paggalaw ng script ng transparency servers ng walang pahintulot mula sa buong koponan ng Commission on Elections.

Ginawa ni Guanzon ang pahayag matapos ipakita ni Marlon Garcia ng Smartmatic kung pano nito inayos ang script upang ituwid anG "?" sa mga pangalan ng mga kandidato na mayroong "ñ".

Ayon kay Commissioner Guanzon, ang Smartmatic, sa kanyang pananaw ang sumira ng protocol at nararapat lamang na panagutin ng Commission on Elections at nararapat silang papanagutin sa mga mamamayan ng bansa. Ito ang kanyang pahayag sa mga tagapagbalita sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kanina.

Marapat lamang sanang nagsabi sila sa Comelec en banc kung ano ang pinaka-problema, ang mga maaaring maganap at magbigay ng rekomendasyon kung paano maitutuwid ang pagkakamali. Hindi nila nararapat ginalaw ang programa ng hindi nababatid ng Comelec at hindi nabibigyan ng pahintulot, dagdag pa ni Commissioner Guanzon.

Subalit ipinarating din ni Guanzon ang pagtiyak ng Smartmatic na kahit nagkaroon ng pagbabago sa protocol, hindi mababago ang kinalabasan ng unofficial vote count.

Tinitiyak din ng Commission on Elections sa mga mamamayan na ipinasisiyasat nila ang insidente. Hindi dapat pinakialaman ng Smartmatic ang mga makinang ito sapagkat ang may-ari nito'y ang Pamahalaan ng Plipinas.

Idinagdag pa ni Commissioner Guanzon na ang automated system ay pag-aari ng Comelec at sil;a'y mananagot sa mga mamamayan at sa Kongreso kaya't 'di nararapat na pinakialaman ng walang pahintulot.

Sa katanungan kung pinag-aralan na ng Comelec na tapusin ang kontrata sa Smartmatic, sinabi ni Commissioner Guanzon na aalamin nila kung ang pakikialam na ito ay sapat na upang huwag nang isama sa mga susunod na political exercises.

Susuportahan ni Commissioner Guanzon ang pagkakansela sa kontrata ng Smartmatic kung pag-uusapan ang bagay na ito. Pinuna ng opisyal ng Comelec ang 'di paghingi ng paumanhin ng Smartmatic sa kanilang ginawa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>