|
||||||||
|
||
Batid ng Commission on Elections ang ginawa ng Smartmatic
IPINALIWANAG ni Marlon Garcia ng Smartmatic na sinabihan nila ang Commission on Elections sa mga pagbabagong gagawin sa transparency server. Ang pagbabago ng hash code sa transparency server ang naging mitsa ng mga espikulasyon mula sa kampo ni Senador Ferdinand Marcos, Jr.
Binanggit ni Senador Marcos na may irregularidad sa 'di opisyal na pagbibilang ng boto para sa pangalawang panguluhan matapos siyang malamangan ni Congresswoman Leni Robredo ng higit sa 200,000 boto.
Ayon kay G. Garcia, hindi sila makakakilos sa plataporma ng walang kalahati ng password na nasa kamay ng Commission on Elections. Isang kinatawan ng Comelec mismo ang nag-lagay ng password ng magkaroon ng pagbabago.
Idinagdag pa niya na ang mga pagbabago ay 'di nagbago ng bilang ng boto sapagkat ang mga ito ay pawang "cosmetic" at hindi "critical." Ipinakita pa ni G. Garcia oung paano binago ang "?" sa mga pangalan ng mga kandidato na mayroong "ñ".
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |