|
||||||||
|
||
Dalawang proyektong nagkakahalaga ng US$ 44 milyon, pasado na
IPINASA ng World Bank ang dalawang proyektong naglalayong yumabong ang investments sa renewable energy sa Pilipinas ay makarating ang kuryente sa milyong mahihirap na pamilya sa malalayong barangay.
Pumasa na sa Executive Directors ng World Bank ang US$ 44 milyong garantiya sa ilalim ng Philippines Renewable Energy Project upang makatulong sa pagbabawas ng risks sa commercial lending sa electric cooperatives. Ang garantiyang ito ang magpapalawak sa mga nasasakupan ng mga electric cooperatioves, gumastos sa renewable energy tulad ng small hydroelectric and solar power plants at makarating sa mahihirap na tahanan.
Sa hiwalay na pagkakataon, noong ika-28 ng Abril. Ipinasa ni World Bank Vice President Victoria Kwakwa ang US$ 23 milyon grant para sa Access to Sustainable Energy Prokect upang magkaroon ng solar power sa remote communities na walang anumang electric cooperatives.
Sa panig ni Workd Bank Country Director for the Philippines Mara K. Warwick, ang dalawang proyektong ito ang magpapasigla sa energy sector, magpapalakas ng ekonomiya at makatutulong sa pagbabawas ng emissions ng greenhouse gases na nakapagpapalala sa pagbabago sa klima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |