|
||||||||
|
||
Bilang ng mga private army, nabawasan
PATULOY na bumaba ang bilang ng mga private army sa Pilipinas. Ang kahulugan ng katagang private army ay mga armadong grupo na maaaring pag-aari ng mga politiko at negosyante.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine Naitonal Police na bumaba ang bilang ng mga kasapi ng private armed groups mula sa 177 na nadakip, sumuko o napaslang noong 2010 at umabot sa 65 noong 2013 samantalang umabot sa 30 ang nadakip, sumuko o napatay ng mga tauhan ng pamahalaan ngayong 2016.
Mula sa 177 sandatang nasamsam noong 2010, bumaba ito sa 134 noong 2013 at ngayong 2016, mayroong 47 mga sandata na iba't ibang kalibre ang nasamsam o isinuko ng mga grupong armado sa mga autoridad.
Tuloy pa rin ang kampanya ng pulisya laban sa mga private armed groups. Magtatapos ang election season sa ika-walo ng Hunyo.
Samantala, umabot na sa 4,231 katao ang nadakip sa paglabag sa pagdadala ng sandata sa labas ng tahanan sa loob ng election season. May 4,049 na sibilyan ang nadakip.
Ayon pa rin sa Philippine National Police, may 3,492 mga sandata ang isinubo, nasamsam o nabawi ng pamahalaan.
May mga mamamayang nagdala ng kanilang sandata sa PNP upang ipakitago samantalang election season at umabot na ito sa 3,678 na iba't ibang uri ng baril.
Nakasamsam din ang PNP ng iba't ibang uri ng sandata na kinabibilangan ng granada, ibang uri ng pampasabog, mga patalim at bala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |