Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabinete ni Mayor Rodrigo Duterte, halos buo na

(GMT+08:00) 2016-06-01 18:02:16       CRI

Gabinete ni Mayor Rodrigo Duterte, halos buo na

MULA sa Davao City, ipinakilala na ni incoming president Rodrigo Duterte ang mga bubuo ng kanyang gabinete na magwawakas sa mga problemang tulad ng red tape, corruption at krimen.

Matapos ang halos tatlong oras na pulong sa tinaguriang presidential guesthouse sa lungsod, sinabi ni G. Duterte na hindi madaling maghanap ng mga kasama sa gabinete.

Tumagal umano ng ilang araw at kung hindi siya nakikita ng media, sinusuri niya ang mga papel ng mga nairekomenda para sa gabinete. Makatitiyak umano ang madla na ang mga napisil niyang maglingkod ay may integridad at katapatan.

Wala sa kanyang mga hinirang ang may bahid ng kontrobersya. Kabilang sa kanyang mga napili sina dating South Cotabato Governor Ismael Sueno bilang interior secretary, ang retiradong si Major General Delfin Lorenzana na dating pinuno ng Office of Veterans Affairs sa Philippine Embassy sa Estados Unidos bilang defense secretary.

Si UP Professor Leonor Magtolis Briones naman ang nahirang na kalihim ng Department of Education. Nahirang na rin si dating MIAA General Manager Al Cusi bilang Secretary of Energy, dating AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang National Security Adviser, Secretary Vitaliano Aguirre bilang pinuno ng Department of Justice.

Nahirang din si dating PNP Director for Operations Alex Monteagudo bilang pinuno ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), dating PNP Director Isidro Lapena bilang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency, dating NCRPO Director Edgar Galvante sa Land Transportation Office at dating Davao police chief Jaime Morente bilang pinuno ng Bureau of Immigration.

Ang NBI Director sa Davao na si Dante Gierran ang nahirang na NBI Director samantalang isang Cesar Dulay ang mamumuno sa Bureau of Internal Revenue at isang Martin Delgra ang mamumuno naman sa Land Transportation and Franchising and Regulatory Board.

Si dating Anakpawis Party List Congressman Rafael Mariano ang siyang kalihim ng Department of Agrarian Reform samantalang si UP Associate Professor Judy Taguiwalo ang maluluklok bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>