|
||||||||
|
||
Mga Non-Government Organization, tumutugon sa El Nino
IBINALITA ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na magkakasama ang civil society organizations at non-government organizations sa pagtugon sa El Nino.
Sa oras na tumama ang mga trahedya at kaguluhan, ang civil society organizations at NGOs ang unang tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima. Sila rin ang naiiwan matapos ang kaguluhan at mga trahedya. Sa nagaganap sa Mindanao, ang MINCODE o Mindanao Coalition of Development NGO Networks ang maasahan.
Inaasahan na rin ang hagupit ng panahong La Nina na magdudulot ng mas mataas na pag-ulan at mas malalakas na bagyo sa huling tatlong buwan ng taong 2016.
Nangako ang Pilipinas na magkakaroon ng mas maayos na pambansa at pang-rehiyong paghahanda at pakikiisa ng pribadong sektor sa disaster management, community resilience sa World Humanitarian Summit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |