|
||||||||
|
||
Foreign Correspondents Association of the Phils., umalma sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte
NABABAHALA ang mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa malawakang pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na magiging dahilan ng pananakit at pagpaslang sa mga mamamahayag.
Sinabi ni G. Duterte na karamihan ng mga pagpaslang sa mga mamamahayag ay dahilan sa katiwalian, wala namang sinabi ni G. Duterte na impormasyon upang madala ang mga may kagagawan sa katarungan at kondenahin ang mga pagpaslang.
Sa isang pahayag, sinabi ng FOCAP na sa pagpaslang kay G. Jun Pala, kinilala ni G. Duterte ang mga saksi at sinabing kilala ang nasa likod ng pagpaslang.
Nakababahala ang pahayag na ganito sapagkat namimiligro pa rin ang mga mamamahayag sa nakalipas na ilang dekada matapos maitatag ang FOCAP upang ipaglaban ng kalayaan ng pamamahayag noong saklaw ng Batas Militar ang Pilipinas.
Ang mga mamamahayag, tulad ng ibang mga mamamayan, ay nararapat lamang na dumaan sa tamang proseso ayon sa batas at magkaroon ng depensang legal. Hindi kailanman magiging katanggaptanggap ang mga akusasyong magiging dahilan ng pagpaslang sa mga mamamahayag.
Binati rin ng FOCAP si G. Duterte sa kanyang pagwawagi at napipintong pag-upo sa panguluhan kasabay ng panawagang dalian ang paggagawad ng katarungan sa mga napaslang sa 58 katao nakinabilangan ng 32 mga mamamahayag at mga nagtatrabaho sa pamamahayag sa Maguindanao noong ika-23 ng Nobyembre.
Idinagdag ng FOCAP na anim na taon na ang nakalipas subalit wala pa ring katarungang nakamtan ang mga biktima sampu ng kanilang mga pamilya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |