|
||||||||
|
||
Lider ng mga obrero, hinirang na labor undersecretary
HINIRANG ni incoming President Rodrigo Duterte si Joel Maglungsod bilang Labor Undersecretary. Naglingkod na siya bilang Party-List representative sa Kongreso at ngayo'y vice-chairman ng Kilusang Mayo Uno.
Si Maglungsod ang ikatlong Makakaliwang lider na nahirang sa pamahalaan. Unang binanggit ang pangalan ni Rafael Mariano bilang Agrarian Reform Secretary at UP Professor Judy Taguiwalo bilang secretary ng Department of Social Welfare and Development.
Inirekomenda ng National Democratic Front sina Mariano at Taguiwalo matapos sabihin ni G. Duterte na iniaalok niya ang ilang puwesto sa pamahalaan sa mga Makakaliwang grupo tulad ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Labor and Employment.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |