|
||||||||
|
||
Wala na munang press conference na gagawin si G. Duterte
MATAPOS umani ng batikos sa kanyang mga pahayag sa pagpaslang sa mga mamamahayag sa iba't ibang grupo ng mga manggagawa sa media, wala na munang gagawing press conference si incoming President Rodrigo Duterte.
Maglalabas na lamang ng mga pahayag si G. Duterte sa People's Television Network – Channel 4. Ito ang sinabi ng kanyang chief of staff na si Christopher Go sa mga mamamahayag.
Hindi naman masabi kung magkakaroon ng informal o "ambush" interviews. Noong Martes, sinabi ni G. Duterte na may mga mamamahayag na napapatay sapagkat sila'y mga tiwali.
Itinuloy pa ni G. Duterte ang pagtuligsa sa mga mamamahayag kagabi kahit pinuna ng mga mamamahayag kabilang na ang Reporters Sans Frontiers ng Francia.
Binalatan din si G. Duterte matapos manipol sa isang babaeng reporter sa isa sa kanyang mga press conferences. Wala umanong malisya ang kanyang ginawa at ginamit lamang niya ang kanyang kalayaang magpahayag.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |