|
||||||||
|
||
PTNT/20160607
|
Ang narinig ninyong awit ay edited version ng "Green Flower Porcelain" na kinanta ng "Elf Prince" na si Laurence Larson. Binago ni Laurence ang titik ng orihinal na "Green Flower Porcelain" at ginamit ang orihinal na himig.
Ang orihinal na awit ay kinanta ni Jay Chou, isang multi-talented na artistang Tsino. Naging icon siya ng pop music sa Tsina dahil sa kanyang bagong estilo ng pop music. Pinaghalo niya ang tradisyonal na musika, R&B at hip hop. Ang titik ng kanyang "Green Flower Porcelain" ay pag-alaala sa isang magandang babae, na parang isang poetry na gamit ang maraming rhetorical devices.
Dahil sa kagandahan ng titik at himig, nakuha ng kantang ito sa 19th Golden Melody Awards, ang Song of the Year. Nasungkit naman ni Jay Chou ang Best Composer Award, at Best Lyricist naman kayVincent Fang.
Kahit native speaker siya ng Ingles, napakahilig ni Laurence sa Chinese pop music at binago niya ang maraming kantang Tsino. Para makalikha ng sariling Chinese song, pinili niya ang Chinese and Pop Music Major sa University of Auckland. Ang mga stars sa pop China na gaya nina Jay Chou, Eason Chan, at JJ Lin ang kanyang idols.
Sa kanyang pag-aaral sa Auckland, ini-adapt niya ang maraming Chinese songs at ini-up-load sa internet. Naging hits ang mga video. Binago niya ang titik ng mga pop songs, ginamit ang orihinal na himig, at sarilinang sarili. Ang narinig ninyong kanta na "Come into My Dream" ay kabilang dito. Ang kanyang edited version ay nagdulot ng ibang damdamin kumpara sa ornihal na kanta.
Noong Enero 2016, lumahok si Laurence sa "Sing my Song" season 3 sa CCTV 3, at kinanta ang unang sariling Chinese song "Give Up On Love."
Bukod sa pagpapabago ng Chinese songs, ini-adapt din ni Laurence ang mga English Song. Halimbawa, ginamit niya ang himig ng "See You Again" at isinalin ang titik na Ingles sa Tsino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |