|
||||||||
|
||
melo
|
Sa isang mensaheng ipinadala sa CBCPNews, sinabi ni G. Reyes na marapat lamang na ideklara ng partido at ni G. Mar Roxas kung gaano kalaki ang iniambag ni Pangulong PNoy Aquino sa pamamagitan ng yaman ng pamahalaan at pondo ng mga mamamayan.
Kailangan ding alamin ng Commission on Elections ang bagay na ito upang mabatid man lamang ang nagastos. Ipinaliwanag ni G. Reyes na ang paggamit ng yaman ng pamahalaan noong panahon ng kampanya ay maituturing na election offense.
May mga political rally at pagtitipon naginamitan ng mga nakikinamang sa 4Ps program ang tinustusan ng pamahalaan. Nais ding mabatid kung ilan sa mga pagtitipon ang pinagkagastosan ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng bottoms up budgeting. Ang mga ito ay maitutuing na kontribusyon sa pangangampanya ng Liberal Party.
Idinagdag pa ni G. Reyes na matagal nang nagbubulag-bulagan ang Commission on Elections.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |