|
||||||||
|
||
Manufacturing sector, lumago
LUMAGO ang manufacturing sector noong nakalipas na Abril. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Sinabi ng Philippine Statistics Authority na lumago ang produksyon at benta noong Abril kung ihahambing sa naganap noong Abril 2015. Ang Volume of Production Index ay lumago ng 10.5% at isang malaking angat mula sa 1.8% growth noong nakalipas na taon.
Ang Value of Production Index naman ay kinatagpuan ng 6.8% growth noong Abril mula sa 6.4% na pagbaba noong Abril ng 2015.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, lumago ang manufacturing sector sa pagsisimula ng second quarter dala ng matatag na domestic activities dala ng panahon ng halalan.
Idinagdag pa niyang ang Volume of Net Sales Index ay kinatagpuan ng 5.3% growth noong Abril 2016 mula sa 1.3% noong nakalipas na taon. Ang Value of Net Sales Index ay nakabawi sa pagkakaroon ng1.8% mula sa 6.8% na pagbaba noong Abril ng 2015.
Umaasa si G. Esguerra ng mas magandang tayo ng ekonomiya mula Abril hanggang Hunyo ng 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |