|
||||||||
|
||
Asian Development Bank at AIIB, magkasama sa pagpapautang sa Pakistan
IBINALITA ng Asian Development Bank na pasado na ang US$ 100 milyong pautang para sa isang highway project sa Pakistan. Ayon sa isang pahayag na inilabas ng ADB, ito ang kauna-unahang co-financing na katatampukan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ang AIIB ang siyang maglalaan ng US$ 100 milyon sa oras na makapasa sa Board of Directors ng bangko.
Ang Department for International Development ng United Kingdom ang maglalaan ng US$ 34 milyon na grant para sa proyekto. Ang ADB ang lead financier na siyang mangangasiya sa pautang ng AIIB at grant ng DFID.
Ani ADB President Tahehiko Nakao, makasaysayan ito para sa ADB at AIIB sa pagsasanib upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagawaing-bayan ng Asia – Pacific region.
Mahalaga ang proyekto para sa Pakistan sapagkat magiging koneksyon ang lansangan sa pagitan ng hilaga at katimugang bahagi ng bansa. Magkakaroon din ng mga makabagong kalakal at iba pang negosyo, business opportunities na makatutulong sa mga naghahanap ng trabaho at makababawas sa kahirapan.
Ang proyekto ay bahagi ng Central Asia Regional Economic Cooperation corridors.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |