|
||||||||
|
||
160621melo.mp3
|
Suportado ng Makati Business Club ang panukalang "emergency powers"
MAHALAGA ang mga pagawaing-bayan sa pagsulong ng ekonomiya. Ito ang paniniwala ng Makati Business Club sapagkat sa nakalipas na ilang taon, patuloy ang pangangailangan sa mass transit.
Sa isang pahayag na inilabas ngayon, sinabi ng MBC na patuloy na lumalago ang bilang ng mga nangangailangang maglakbay at sumakay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga sasakyan. Tumaas din ang pangangailangan para sa social, business at turismo. Batid umano ng kanilang samahang hindi makakatugon ng madalian ang pamahalaan sapagkat kulang pa ang mga pagawaing bayan.
Ang sinasbaing mobility gap ay patuloy na pumipinsala sa ekonomiya sa uri ng buhay ng mga mamamayan sa nawawalang bilyun-bilong piso sa bawat araw at ang 'di maitayang peligro sa kalusugan at pinsalang dulot ng matagal na paglalakbay at panahon sa pila.
Naniniwala ang MBC na nahaharap ang bansa sa isang transporation crisis na kailangang malutas. Handang tumulong ang kanilang samahan sa pagsususri, debate at konsultasyon sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor. Kung mangangailangan ito ng emergency powers, handang tumulong at makiisa ang MBC kung limitado at natitiyak ang paggagamitan nito. Kailangan ding magkaroon ng pananagutan o accountability, dagdag pa ng MBC.
Idinagdag pa ng samahan ng mga mangangalakal na ang pagkakaroon ng malawalan at para sa taong programa ang magiging sandigan ng mga alituntuin at proyekto mula sa emergency powers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |