Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Suportado ng Makati Business Club ang panukalang "emergency powers"

(GMT+08:00) 2016-06-21 17:16:59       CRI

Simbahang Katolika, nababahala sa mga pagpaslang

MGA OBISPO, NABAHALA SA MGA PAGPASLANG. Nababahala si Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga pagpaslang ng mga sinasabing drug pusher mula noong nakalipas na halalan. Magiging makatwiran ang pagbaril at pagpatay sa sinuman sa oras ng pagtatanggol sa sarili o sa kapwa, dagdag pa ni Arsobispo Villegas. (File Photo/Roi Lagarde)

SA sunod-sunod na pagpaslang na katulad ng mga ginagawa ng mga vigilante, ipinarating ng mga obispo ang kanilang pagkabahala sa mga nagaganap sa buong bansa.

Ikinabahala nila ang pagkakaroon ng mga pabuya sa bawat napapaslang. Samantalang pinupuri ng mga obispo ang pinag-ibayong kampanya laban sa kriminalidad, ipinarating nila ang pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga nasasawi matapos makipagbarilan umano sa mga autoridad.

May 34 katao na ang napapaslang. Mga drug pusher umano ang mga napaslang matapos ang pinag-ibayong kampanya mula noong matapos ang halalan.

Ipinaliwanag ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng CBCP na mapahihintulutan lamang ang pagbaril upang pumatay bilang pagtatanggol sa sarili o pagtatanggol sa ibang mga mamamayan.

Hindi umano angkop ang pagbibigay ng pabuya sapagkat malaki ang posibilidad na maabuso ang mga pagpaslang sa sinasabing mga tulak ng droga. Hindi rin angkop ang pagtanggap ng pabuya sa pagpaslang ng kapwa tao.

Obligasyon ng mga Christiano na ibunyag ang pagsasakamay ng batas sapagkat ang mga pagpaslang ay taliwas sa batas.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>