Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manggagawa, nararapat bigyang-pansin

(GMT+08:00) 2016-06-20 18:50:44       CRI

NANINIWALA sina G. Rene Magtubo, co-chair ng Church-Labor Conference at G. Rod Kapunan na matapat lamang bigyang-pansin ng papasok na pamahalaang pamumunuan ni Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte ang kalagayan ng mga manggagawa sapagkat hindi sapat ang hanapbuhay at kinikita upang umangat mula sa kahirapan.

HALOS PAREHO DIN ANG PROGRAMA NI PANGULONG DUTERTE SA PAALIS NA PAMAHALAAN.  Ito ang sinabi ni G. Rene Magtubo, co-chair ng Church - Labor Conference sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Kailangan umanong makita ang pagkakaiba sa pagtrato ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbura sa kontraktuwalisasyon.  (Melo M. Acuna)

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni G. Magtubo na tila sinusundan lamang ng papasok na administrasyon ang sinimulan ni Pangulong Benino Simeon C. Aquino III sapagkat pinalawak lamang ang pagdudulot ng kontrobersyal na conditional cash transfer.

Sa panig ni G. Rod Kapunan, hindi magiging madali para sa pamahalaang burahin ang mga kontraktual na manggagawa sapagkat maraming mga bahay-kalakal ang naniniwala sa legislated wage increase na hindi kailanman sasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan.

KONTRAKTUALISASYON, MAPAPALITAN NG SEGURIDAD SA PAGGAWA.  Ipinaliliwanag ni G. Rod Kapunan, may akda ng isang aklat sa kontraktuwalisasyon, na kung magiging "flexible" ang minimum wage at mabibigyang-halaga ang "security of tenure," higit na darami ang magkakahanapbuhay. (Melo M. Acuna)

Naniniwala naman si G. Rod Kapunan, may-akda ng aklat na pinamagatang Labor Contracting in a Cabo Economy, na kung papayagan ang mga employer na bawasan ang minimum wage at bigyan ng sapat na elbow room ang mga may-ari ng kumpanya na magtakda ng sahod subalit kikilalanin ang seguridad ng mga manggagawa.

Sa mas mababang pasahod, mas marami ang magkakamit ng hanapbuhay na hindi apektado ang kanilang estado sa larangan ng social security.

Naunang sinabi ng World Bank sa Pilipinas na walang anumang magaganap na kaunlaran at pagbabago kung maraming mga Pilipino ang hindi nadaragdagan ang pasahod.

Nagiging dahilan ito upang 'di magbago ang pag-uulat sa kalagayan ng mga manggagawa. Maliwanag sa World Bank na hindi uunlad ang manggagawa kung hindi magkakaroon ng palatuntunan para sa mga mahihirap at mga umaaasa sa hanapbuhay sa kanayunan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>