|
||||||||
|
||
PNP chief, kontra sa labag sa batas na paraan ng paglaban sa iligal na droga
INULIT ni Director General Ronald Dela Rosa ang kanyang pagtutol sa mga labag at labas sa batas na paraan ng operasyon laban sa ilegal na droga.
Sa kanyang pagsasalita sa lingguhang press briefing sa Campo Crame, sinabi ni General dela Rosa na kontra siya sa vigilantism sa pambansang krusada laban sa iligal na droga.
Hindi kailanman matatanggap ng pulisya ang paggalaw ng mga vigilante.
Sa press conference, sinabi naman ni Solicitor-General Jose Calida na nangako nga si Pangulong Duterte na susuportahan ang kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga.
Hindi umano nila papayagang may hahadlang sa pagtatangka ng pulisya na labanan ang illegal drugs samantalang pinayuhan ang mga pulis na huwag mangangamba sa anumang imbestigasyong gagawin ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ang Office of the Solicitor General ang tagapagtanggol ng mga mamamayang Filipino at uulitin niya ang suporta ng Pamahalang Duterte sa kampanya laban sa droga.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |