|
||||||||
|
||
Labing-walong Abu Sayyaf, napaslang, siyam na iba pa, sugatan
SA pagpapatuloy ng military operations na nagsimula noong nakalipas na linggo sa pamamagitan ng Joint Task Force Basilan laban sa mga Abu Sayyaf sa pamumuno ni Isnilon Hapilon at Furuji Indama, may 18 mga armado ang napaslang samantalang siyam na iba pa ang nasugatan.
Napaslang sa serye ng mga sagupaan sa Barangay Baguindan at Silangkum sa Basilan noong nakalipas na Huwebes ang dalawang Abu Sayyaf. Sugatan naman ang anim na iba pa. Inaalam pa ang mga pangalan ng iba pang mga nasugatan.
Mainitan ang sagupaan na kinabibilangan ng mga armoured vehicles at paggamit ng mga kanyon at close air support laban sa mga bandido.
Tatlo naman ang napaslang sa panig ng Abu Sayyaf sa Sulu. Napaslang ang mga bandido sa pakikipagsagupa sa mga tauhan ng 35th Infantry Battalion sa Barangay Maligay, Patikul.
Akusado si Sabtola Mahalli sa pagdukot kay Ces Orena Drilon ng ABS-CBN at kay Nelson Lim ng Mega Fishing.
Ang operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf ay sa kautusan ni General Ricardo Visaya, ang AFP chief of staff sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |