|
||||||||
|
||
Melo 20160722
|
Dating Interior Secretary Rafael Alunan, posibleng hiranging "special envoy" sa Tsina
HIHIRANGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Interior Secretary Rafael M. Alunan III bilang special envoy sa Tsina kung tatanggi si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kawal sa Camp Siongco sa Maguindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na batid ni G. Alunan ang paninindigan ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Ramos na ilang medical issues at iba pang mga commitment ang magiging dahilan ng kanyang pagtanggi sa alok na maging special envoy sa Tsina.
Mag-uusap pa rin sina Pangulong Duterte at dating Pangulong Ramos bukas upang mabatid ang detalyes ng alok.
Nagulat umano si G. Alunan na isang kritiko sa mga ginagawa ng Tsina sa South China Sea. Sa tanong kung tatanggapin niya ang misyon, sinabi ng dating kalihim na hindi pa niya batid ang balak ng pangulo. Ikinagulat umano niya ang pahayag ni G. Duterte sapagkat hindi pa siya pinapayuhan o sinasabihan ng mga mula sa Office of the President.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |