|
||||||||
|
||
MAKABAYAN Bloc, humiling na talikdan ang EDCA
ISANG resolusyon ang inihain ng Makabayan Bloc na nananawagang talikdan ng Pilipinas ang Enhanced Defence Cooperation Agreement sa pagitan ng America at ng Pilipinas.
Ayon kay Rep. Ariel Casilao, mambabatas mula sa Anakpawis, ang may akda ng House Resolution No. 31, lumalabag ang EDCA sa kalayaan ng bansa at naglalagay sa panganib sa geopolitical stiuation at nagdudulot ng ibayong problema para sa mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo.
Ang EDCA ay nilagdaan ni dating Foreign Secretary Albert F. del Rosario at American Ambassador to the Philippines Philip Goldberg bago dumating si US President Barack Obama sa bansa noong ika-28 ng Abril, 2014.
Hindi umano nabatid ng mga mamamayan ang napapaloob sa kasunduan sapagkat inilihim ng Department of National Defense, Department of Foreign Affairs at Office of the President para sa Framework Agreement for the Increased Rotational Presence na nagsimula pa noong 2011.
Sinabi pa ni G. Casilao na ang mga Amerikanong kawal ay pinapayagang gamitin ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro at ang Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu.
Sinabi naman ni Congressman Carlos Zarate ng Bayan Muna, kasamang may-akda ng resolusyon, sa pamamagitan ng EDCA, nakapasok sa Pilipinas ang mga sasakyang pandigma ng America na may taglay na weapons of mass destruction tulad ng mga submarine na USS Ohio, isang nuclear-powered submarine ng US Navy, nuclear-powered aircraft carriers USS John C. Stennis at USS Ronald Reagan, F/A – 18 fighter planes at iba pang mga sandata na lumalabag sa saligang batas.
Sa madalas na pagpasok ng mga kawal ng America sa Pilipinas, sumama ang pakikipagkaibigan ng bansa sa Tsina. Sa agresibong pagpaparamdam ng mga Tsino sa South China Sea, pagbabawal sa mga mangingisdang maghanapbuhay sa mga paliparan sa Fiery Cross Reef at Spratlys.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |