Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Interior Secretary Rafael Alunan, posibleng hiranging "special envoy" sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-07-22 18:25:48       CRI

Bilang ng mga napapaslang na umano'y sangkot sa droga, tumaas pa

UMABOT na sa 239 kataong sangkot sa ilegal na bentahan ng bawal na gamot ang napapaslang sa nakalipas na police operations.

Ayon sa pahayag ng Philippine National Police, bumaba na rin ang bilang ng krimen sa nakalipas na anim na buwan ng 2016.

Ito umano'y ayon sa pahayag ni PNP Chief Director General Ronald M. Dela Rosa bilang epekto ng agresibong kampanya laban sa droga.

Umaasa si PNP Director for Operations Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan na patuloy na bababa ang krimen sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya laban sa mga sinasabing drug-related criminal activities sa mga susunod na buwan.

Mula sa 52,950 naitala noong Enero ng 2016, ang Total Crime Volume ay bumaba ng 13% sa una at pangalawang kwarter ng taon at umabot na lamang sa 46,060 crime incidents noong Hunyo ng 2016.

Sa pagsusuri ng pulisya, sa pagpapatupad ng Project Double Barrel, bababa ang krimen sapagkat may koneksyon ang paggamit ng droga sa iba pang uri ng krimen laban sa mga mamamayan at ari-arian.

Sa pagpapatupad ng programa noong unang araw ng Hulyo,2016. Nakapagtala ng 3,213 taong nadakip sa hiwa-hiwalay na police operations sa buong bansa.

Dumalaw na rin ang pulis sa ilalim ng kanilang "Tokhang" project o pagdalaw sa mga tahanan ng pinaghihinalaang mga drug personalities, at may 120,038 na ang sumuko na kinabibilangan ng may 112,902 gumagamit ng bawal na gamot at 7,107 na drug pushers.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>