|
||||||||
|
||
Kalagayan ng mga unipormadong tauhan ng pamahalaan, prayoridad
NANGAKO si Pangulong Rodrigo R. Duterte na magiging prayoridad ng kanyang pamahalaan ang mga naglilingkod sa uniformed service. Kasabay ng pangako ang panawagan pagibayuhin ang kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at terorismo.
Sa kanyang talumpati sa mga kawal ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, sinabi niyang napagusapan nila ang bagay na ito sa kanilang command conference at nasabihang may pangangailangan pa ng karagdagang mga kawal. Mangangailangan umano ng may 3,000 pulis upang matugunan ang hamon ng urban terrorism.
Prayoridad ni Pangulong Duterte ang pagsugpo sa illegal drugs, terorismo, kaguluhan at kriminalidad sa bansa. Pinuri niya ang mga pulis at kawal at sinabihang huwag matakot sa kanilang pagganap sa tungkulin sa bayan.
Isa umanong malaking kahihiyan para sa mga kawal at pulis kung 'di mapipigil ang kriminalidad at terorismo na kinatatampukan ng mga banyaga at mga Filipinong pinapaslang.
Isusulong umano ni Pangulong Duterte ang dagdag na sahod ng unti-unti at isasama na rin ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga ahensyang tulad ng National Bureau of Investigation.
Pagagandahin din ang AFP Medical Center upang mabigyan ang mga kawal at pulis at kanilang mga pamilya ng angkop na serbisyong medical.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |