|
||||||||
|
||
Karapatang Pangtao, mahalaga, ayon kay US Sec. Kerry
BINANGGIT ni US Secretary of State John Kerry na mahalagang ipagtanggol ang karapatang pangtao samantalang nakikipaglaban ang Pilipinas at mga kaibigang bansa sa terorismo.
Sa idinaos na joint press conference na kinatampukan din ni Philippine Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr., mayroon umanong mas malawak na mga paksang pag-uusapan liban sa South China Sea.
Patuloy umanong nagtutulungan ang Pilipinas, ang Estados Unidos at mga kalapit bansa sa rehiyon sa pagpapatupad ng mga batas at maging sa regional security at sa paglaban sa transnational crimes tulad ng human trafficing.
Ani Secretary Kerry, maliwanag na ang civil at human rights ay marapat na ipagsanggalang ang karapatang pangtao sa pagtatangkang masugpo ang human trafficking.
Unang lumabas ang pagtuligsa ng iba't ibang samahan sa ginagawang pagpaslang sa mga pinaghihinalaang drug pusher. Higit na sa 300 pinaghihinalaang drug user at pusher ang napapaslang mula ng maluklok si Panguong Duterte. Higit naman sa 200 katao ang napaslang sa ginawang police operations samantalang ang may 100 iba pa ay pinaslang ng mga 'di kilalang tao at pinaghihinalaang mga vigilante.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |