Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

US Secretary of State Kerry at Foreign Secretary Yasay, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-07-28 10:28:17       CRI

Special Report

Super majority sa Kongreso, kagulat-gulat

COLD WAR ERA, TAPOS NA. Sinabi ni UP Prof. Clarita Carlos na matagal nang natapos ang Cold War era at nagbago na ang anyo ng daigdig. Diplomasya at kalakalan ang pinagtutuunan ng pansin. Bahagi ito ng kanyang pahayag sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kaninang umaga. (Melo M. Acuna)

PILIPINAS KAILANGANG MAGING HANDA SA PAKIKIPAG-USAP SA TSINA. Walang aasahan ang Pilipinas sa ibang bansa kungdi sa pagsusulong ng sariling interes sa pakikipag-usap sa Tsina. Ito ang paniniwala ni UP Prof. Rolando Simbulan na unang nagsabing sa pamamagitan ng EDCA, naging isang malaking aircraft carrier ng America ang Pilipinas. (Melo M. Acuna)

PLEBESITO, KAILANGAN SA EDCA. Naniniwala si dating Senador Francisco Tatad na kailangang tanungin ang mga mamamayan hinggil sa EDCA sapagkat mayroong ilang probisyon sa Saligang Batas na kulang sa detalyes. Ito ang kanyang reaksyon sa kalalabas na desisyon ng Korte Suprema sa EDCA. (Melo M. Acuna)

WALO LAMANG ANG HINILING NI PANGULONG DUTERTE SA KONGRESO. Binabasa ni Albay Congressman Jose Sarte Salceda ang mga hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso sa kanyang SONA. Bagaman, naniniwala siyang baka matuon lamang ang pansin ng Kongreso sa kahiliangang magkaroon ng Federal System of government na idadaan sa pagbubukas ng Saligang Batas. (Melo M. Acuna)

WALA pa umanong naririnig na sinumang kongresista ang nagsabing hindi siya susuporta kay Pangulong Rodrigo R. Duterte. Ito ang sinabi ni Albay Congressman Jose Sarte Salceda sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido sa Mindanao Avenue kaninang umaga.

Bilang reaksyon sa naging State of the Nation Address ni Pangulong Duterte noong Lunes, sinabi ni G. Salceda na walong mahahalagang bagay lamang ang hiniling ng pangulo sa kongreso at ang mga ito ay ang Bangsamoro Basic Law ng walang anumang problema sa Saligang Batas, ang panawagang magkaroon ng constitutional convention, ang Freedom of Information bill, ang paspapasa ng Passport Law, ang pagkakaroon ng whistleblower protection, ang pagbabawas ng personal at corporate income tax, ang pagluluwag ng bank secretary laws at ang pagbuo ng Department of Overseas Filipinos.

Pinanindigan din ni G. Duterte ang pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs.

Para kay UP Professor Clarita Carlos, nararapat lamang na suriin ang mga alituntuin hinggil sa party list sapagkat nadudusta ang demokrasya sa pagkakaroon ng mga kinatawang hindi mabatid kung saan nagmumula. Kung lahat na lamang umano ng sektor ang magkakaroon ng parly list, baka mawalan na ng sektor na maghahalal ng mga regular na kongresista mula sa iba't ibang distrito ng bansa.

Sa pagdalaw ni Secretary of State John Kerry, sinabi naman ni Prof. Carlos na wala ng bagong sasabihin ang panauhin sapagkat hindi naman nagbabago ang paninindigan ng Estados Unidos sa mga pandaigdigang isyu.

Para kay dating Senador Francisco Tatad, mahalagang suriin ang mga sinabi ni Pangulong Duterte sapagkat dito mababanaag ang magiging takbo ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte administration.

Ipinaliwanag naman ni dating Ambassador at Congressman Apolinario Lozada na ngayo'y mula sa RP Development Foundation na ang pakikipag-usap sa Tsina ang magpapayabong sa kalakalan ng dalawang bansa.

Ipinaliwanag naman ni UP Manila Prof. Roland Simbulan na hindi basta mawawala ang Estados Unidos sa Asia sapagkat nadarama nito ang papel na kanyang ginagamapanan. Mananatili ang America sa Pilipinas dahilan na rin sa kasunduang pinasok ng Aquino Administration sa Estados Unidos na kilala sa pangalang EDCA. May bisa pa rin ang 1951 Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos tulad rin ng Visiting Forces Agreement.

Ang katatapos na SONA ni Pangulong Duterte ay ikalawa sa pinakamahabang talumpati ng mga pangulo ng bansa mula noong maluklok si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001.

Kinatampukan ang talumpati ni pangulong Duterte ng 84 na palakpak at 24 na halakhakan na wala sa mga nakalipas na talumpati nina Pangulong Arroyo at Aquino.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>