Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Libu-libong taga-Basilan, lumikas dahil sa sagupaan

(GMT+08:00) 2016-07-29 18:08:09       CRI

Libu-libong taga-Basilan, lumikas dahil sa sagupaan

LIBU-LIBONG PAMILYA APEKTADO NG MGA SAGUPAAN SA BASILAN. Umabot na sa 17,000 katao ang lumikas mula sa tatlong bayan ng Basilan at lumipat sa kanilang mga kamag-anak sa mas ligtas na pook. Nangangamba silang mapagita sa mga sagupaan ng mga kawal ng pamahalaan at mga armadong pinaniniwalang kabilang sa Abu Sayyaf. Makikita sa larawan ang pagdadala ng tulong ng mga tauhan ng International Committee of the Red Cross at Philippine Red Cross sa Balisan. (ICRC Photos)

UMABOT na sa 3,400 pamilya ang lumikas mula ng sumiklab ang mga sagupaan sa pagitan ng mga kawal at mga armadong grupo noong unang linggo ng Hulyo sa Basilan.

Ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC), ang mga apektadong pamilya ay mula sa mga bayan ng Tipo-Tipo, Al-Barka at Ungkaya Pukan. Lumikas sila patungo sa kanilang mga kamag-anak matapos ang serya ng mga pambobomba at panganganyon sa nakalipas na tatlong linggo. Nabalita na rin ang pagkasawi at pagkakasugat ng mga mandirigma sa magkabilang panig samantalang ilang mga karaniwang tao ang nasugatan na rin sa mga sagupaan.

Ayon kay Yann Fridez, nakababahala ang seguridad sa Basilan sapagkat inaasahan nilang magpapatuloy ang mga sagupaan sa mga susunod na linggo. Si Fridez ang pinuno ng International Committee of the Red Cross sub-delegation sa Mindanao.

Nanawagan siya sa magkabilang-panig na kumilos at iwasan ang malubhang pinsala sa mga karaniwang tao. Nanawagan din siya sa mga magkakatunggaling puwersa na iwasa ang mga pagamutan, mga paaralan at mga tahanan at mga pasilidad na ginagamit ng mga mamamayan.

Namahagi na rin ang ICRC sa tulong ng Philippine Red Cross ng may mga hygiene kits, kumot, tuwalya, lata, mga mga kulambo at banig. Nakinabang ang may 17,000 mamamayan sa tatlong bayan. Kahapon nagtapos ang pamamahagi ng mga kagamitan sa kanilang tahanan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>