|
||||||||
|
||
Mga employer at personnel manager, magtutulungan laban sa ENDO
NANGAKO ang samahan ng mga employer at human resouce practitioners na huwag pahintulutan ang contractualization o endo ng alinman sa kanilang mga kasaping kumpanya. Hindi rin papayagan ang pagkakaroon ng labor-only contracting mula sa service providers at outsourcing service providers at suppliers.
Nagmula ang pangako sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at People Management Association of the Philippines sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Donald Dee ng ECOP at Jesse Francis N. Rebustillo ng PMPA sa dokumentong pinamagatang Labor Law Compliance Code kamakalawa sa Dusit Thani Hotel kasabay ng kanilang joint membership meeting.
Sinabi ni Dee na ang ECOP at PMAP ay hindi papayag sa labag sa batas na gawain na lumalabag sa security of tenure na napapaloob sa Saligang Batas at mga desisyon ng mga hukuman.
Hindi magbabago ang paninindigan ng ECOP at PMAP na nararapat sumunod ang kahat ng mga kasapi upang higit na mapakinabangan ang mga programa ng pamahalaan.
Suportado ng dalawang samahan ang Department of Labor and Employment sa layunin nitong utusan ang lahat ng lehitimong job contractors at outsourcing service provider na magtaglay ng Certificate of Compliance sa General Labor Standards at maging sa Occupational Safety and Health Standards upang matiyak ang buong tapat na pagsunod.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |