|
||||||||
|
||
Imbestigasyon sa mga napapatay na drug users, sisimulan na
NAKATAKDANG magsiyasat ang Senado at Commission on Human Rights sa serye ng mga pamamaslang na diumano'y sangkot sa illegal drugs. Ito ang kanilang gagawin samantalang tumatanggi ang Philippine National Police na siyasatin ang mga insidente ng pagpatay sa pinaghihinalaang drug dealers at drug users.
Binanggit na ni Senador Leila de Lima na magsisimula ang imbestigasyon ng Senado sa Agosto at matutuon sa specific cases ng pinaghihinalaang summary executions na ibinibintang sa pulisya.
Ang CHR naman ang naglunsad ng kanilang sariling imbestigasyon sa 103 pinaghihinalaang extrajudicial killings na kinabibilangan ng 33 napaslang na pinaghihinalaang drug dealers at users sa kamay ng pulisya.
Ayon sa Human Rights Watch, kailangang gawin ang imbestigasyon sapagkat nakababahala na ang mga nagaganap mula ng maupo si Pangulong Rodrigo Duterte. Umabot na umano sa 420 ang napapaslang sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa datos ng pulisya, may 192 na ang napapaslang mula noong ika-sampu ng Mayo hanggang noong ika-sampu ng Hulyo. Lumabas na napakaliit ng bilang ng mga napaslang na 68 suspect sa anti-drug operations sa pagitan ng unang araw ng Enero at ika-15 ng Hunyo.
Sinabi na ng pulisya na ang mga napaslang ay nanlaban at tumangging magpadakip at nagpaputok pa sa mga alagad ng batas.
Ipinagtanggol pa ni Director General Ronald dela Rosa ang mga panawagang magsiyasat sa mga nagaganap sa bansa. Ani Solicitor General Jose Calida, hindi pa sapat ang bilang ng mga napapaslang upang sabihing nakaa-alarma ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |