|
||||||||
|
||
Matataas na opisyal ng Department of Justice kumita sa NBP
MAY dalawang dating matatas na opisyal ng Department of Justice at mga opisyal ng New Bilibid Prison ang sinasabing kumita ng milyun-milyon mula sa ilang mga high-profile na bilanggo kapalit ng special treatment.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Binanggit din niyang maliban sa ilang opisyal ng pamahalaan, isang religious group ang padaluyan ng illegal drugs at prostitution sa loob ng bilangguan.
Ayon sa kalihim umabot sa Department of Justice kasabay ng pagtangging pangalanan ang mga sangkot sapagkat tuloy pa ang imbestigasyon. Ito ang binanggit ni Secretary Aguirre sa isang press conference kanina.
Idinagdag pa niyang ang kumitang dating opisyal ng DOJ ay mula sa nakalipas na administrasyon. Ilalabas din nila ang kanilang ginawang pagsisiyasat sa mga susunod na panahon. Bukod sa pagtanggap ng suhol, kumita pa sila sa katiwalian tulad ng pagbabawas ng meal allowance mula P50.00 at ginawang P40.00 bawat araw at ang natitipid at P240,000.00 sa bawat araw.
Sa panig ng religious group, may chapel umano ang grupo sa loob ng bilangguan at nagdadala ng apat hanggang limang babae na mga nagbibili ng aliw. Isa umanong non-government organization at tatlong prison guard ang nagsumbong hinggil sa kaduda-dudang gawa ng grupo.
Malinis umano si Bureau of Corrections Director Rainier Cruz at walang anumang derogatory reports na nakarating kay Secretary Aguirre. Pinagtanggkan umanong linisin ni Cruz ang kagawaran subalit hindi nakaya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |