Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maasahan at murang kuryente, kailangang makamtan

(GMT+08:00) 2016-08-01 18:28:04       CRI

Special Report
Maasahan at murang kuryente, kailangang makamtan

DEPARTMENT OF ENERGY, MAY PROGRAMA. Sinabi ni G. Pete Ilagan, spokesman ng Department of Energy sa idinaos na TAPATAN sa ARISTOCRAT na tinitiyak nilang makararating ang kuryente sa mahihirap na mga mamamayan. Tapos na umano ang paggamit ng sinaunang sistema sa ilaw. Handa ang Duterte Administration na dalhin sa mahihirap ang serbisyo ng kuryente. (Melo M. Acuna)

SINABI ni G. Pete Ilagan, tagapagsalita ng Department of Energy, na maliwanag sa mga kautusan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na bigyan ng kuryente ang mga mahihirap sa bansa. Batid umano ni G. Duterte ang kahirapang hinaharap ng mga mamamayang walang kuryente sapagkat mas malaki ang kanilang nagagastos sa pagkakabit ng serbisyo sa mga pribadong may mga generator at may nag-iisang metrong nagtitingi sa mga subdibisyon.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina, seryosong pag-uusapan sa darating na buwan ang mga binabalak ng pamahalaan tulad ng pagkakaroon ng nuclear power plant sapagkat bukod sa malinis ang kuryenteng nagmumula sa planta ay makatutugon kaagad ito sa pangangailangan ng bayan.

Ipinaliwanag naman ni Manila Electric Company (MERALCO) spokesman Jose "Joe" Zaldarriaga na sumusunod sila sa layunin ni Pangulong Duterte na bigyan ng kuryente ang mahihirap na bahagi ng lipunan. Nanguna Sa ang Baseco sa pinaglagyan ng pasilidad sa pinakamadaling panahon.

Para kay Engr. Salvador Antonio Castro, Jr., chief executive officer ng Cleantech Global Renewables, Inc., may mga proyekto silang mapakikinabangan subalit nananawagan sila sa pamahalaan na bawasan ang panahong inilalaan para sa application sa iba't ibang tanggapan sapagkat tumatagal ito ng tatlo hanggang anim na buwan sa pinakamadaling panahon at tatlo hanggang limang taon para sa malalaking proyekto. Maituturing na viable ang renewable energy, dagdag pa ni Engr. Castro.

Idinagdag naman ni G. Reuben Muni, kinatawan ng Greenpeace Southeast Asia na ligtas ang kalusugan ng mga mamamayan kung magiging malinis din ang pagkukunan ng kuryente. Kailangang magkaroon ng pagsusuri sa paligid ng coal-fired powerplants sa buong bansa.

Balewala ang paggamit ng ganitong mga planta kung magiging alanganin ang kalusugan ng mga naninirahang malapit sa mga plantang pinatatakbo ng uling.

PANANALIKSIK, MAHALAGA. Binigyang-pansin ni Dr. Dai Fan, ng School of International Studies ng Jinan University sa Tsina na mahalaga ang papel ng pamahalaan sa panunustos nito sa research and development sapagkat napakikinabangan ng bayan ang kanilang mga napag-aaralan. Isa si Dr. Dai sa mga naging panauhin ng "Tapatan sa Aristocrat" kanina. (Melo M. Acuna)

Ayon kay Dr. Dai Fan ng Jinan University ng Tsina, inalalalayan ng kanilang pamahalaan ang mga nasa dalubhasaan at pamantasan upang magpatuloy sa kanilang pananaliksik. Karamihan ng researches ay ginagawa ng mga nag-aaral sa kanilang state universities. Ang mga pagsusuring ginawa ay ginagamit ng bansa upang pakinabangan ng mga mamamayan, dagdag pa ni Dr. Dai.

Ipinaliwanag naman ni Illac Diaz ng Liter of Light, mas makabubuting matuto ang mga kabataan kung paano gumawa ng mga proyektong magdudulot ng solar energy.

Mahalaga ito sapagkat kung lahat ay marunong gumawa ng mga mumunting ilawan ay makatitiyak na hindi mahihirapan ang mga pook na madalas daanan ng malalakas na bagyo. Kung matuto ang lahat ng mga mamamayan ay 'di na mangangailangan ng nuclear power plant tulad ng ipinapanukala ng ilang sektor ng lipunan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>