|
||||||||
|
||
Butangero umano si Pangulong Duterte sabi ni Jose Ma. Sison
SINABI ni Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines na mainitin at 'di matatantiya ang takbo ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos bawiin ang unilateral ceasefire na idineklara niya noong nakalipas na Lunes, sa kanyang unang state of the nation address.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni G. Sison na madaling magdesisyon si Pangulong Duterte ng walang anumang konsultasyon at pagsusuri sa magiging epekto ng kanyang mga desisyon.
Binawi niya ang ceasefire noong Sabado matapos walang anumang pahayag na magdedeklara din ng ceasefire at magpapaliwanag sa naganap na pananalakay ng mga NPA sa isang detachment sa Mindanao.
Sinabi pa ni G. Sison na gusto ni Pangulong Duterte na magbakbakan na agad. Handa umano silang magpahayag ng kanilang sariling ceasefire kaya nga lamang ay binawi na agad ni Pangulong Duterte ang naunang pahayag sa harap ng buong bansa.
Pinaka-ayaw umabo ng mga rebelde ang tatakutin ng na sa poder, dagdag pa ni G. Sison.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |