|
||||||||
|
||
Obligasyon ng Kongresong alamin ang paraan ng pagsusog sa Saligang Batas
TANGING Kongreso lamang ang may autoridad na magdesisyon kung anong uri ng pagsusog sa Saligang Batas ang gagawin. Ito ang sinabi ni Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon sa isang pahayag.
Sinabi ni Senador Drilon, sole prerogative ng Kongreso ang pagkilala kung idadaan sa Constitutional Assembly o Constitutional Convention.
Ipinaliwanag ni G. Drilon na di tulad ng karaniwang mga bill, ang resolusyon na mananawagang pagbalik-aralan ang Saligang Batas ay hindi kailangang sang-ayunan ng pangulo ng bansa.
Ang resolusyon na magrerekomendang tumawag ng Constitutional Convention o Constitutional Assembly ay hindi mangangailangan ng approval o veto ng pangulo ng bansa.
Ang mga mamamayan ang magdedesisyon kung ipapasa nila ang mga pagsusog sa saligang batas. Sa pamamagitan ng plebesito mababatid kung pasado o hindi ang mga isusulat ng mga magbabalik-aral sa saligang batas.
Para kay Senador Drilon dapat magdebate ang Kongreso sa pinakamagandang paraan ng pagsusog sa 1987 Constitution. Titingnan din nila ang paninindigan ng lahat ng stakeholder, ng pangulo at mga dalubhasa sa legalidad at saligang batas.
Si Senador Drilon mismo ang may akda ng Resolution of Both Houses No. 1 sa Senado na nananawagang magkaroon ng Constitutional Convention na magbabalik-aral sa saligang batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |