|
||||||||
|
||
Duterte, magrerekomenda sa gabinete hinggil sa binawing unilateral ceasefire
SINABI ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus G. Dureza na naghintay ng kaukulang tugon si Pangulong Rodrigo R. Duterte mula sa National Democratic Front/Communist Party of the Philippines/New People's Army hanggang noong Sabado ng hapon.
Nagkaroon umano ng iba't ibang mensahe mula sa mga NPA sa Southern Mindanao Regional Command na hindi naman totoo ang unilateral ceasefire ng pamahalaan samantalang sinisi pa ang Armed Forces of the Philippines ng pananabotahe sa ceasefire. Minaliit pa ng liderato ang ginagawa ni Pangulong Duterte.
Hindi umano makapagdidikta ang pangulo sa mga rebolusyunaryo. Pagsapit ng ikapito ng gabi noong Sabado, inilabas na ng Tanggapan ng Pangulo ang pahayag na binabawi na ang deklarasyon ng unilateral ceasefire. Matapos ang isang oras, naglabas ng pahayag ang National Democratic Front na handa silang magdeklara ng ceasefore.
Maliwanag umanong kumilos si Pangulong Duterte sa ngalan ng pinakamahalagang interes ng bayan. Wala umanong duda na itutuloy pa rin niya ang pagtahak sa daan ng kapayapaan sa oras na mabigyan ng oportunidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |