|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
375 grams ng marrow
1 malaking carrot, mga 60 grams
1 kutsara ng cooking oil
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat nang manipis
1-2 cloves ng bawang, tinadtad
1/2 kutsarita ng asin
Puting paminta
1 pirot ng vetsin
1 itlog, binati nang kaunt
1 kutsara ng light soya sauce
Paraan ng Pagluluto
Gayatin muna nang manipis at pahaba ang marrow at carrot bago initin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
Idagdag ang marrow, carrot, asin, paminta at vetsin at ituloy pa ang at lutuin ang mga gulay sa mahinang apoy. Haluin maya't maya at tiyaking tama lang ang pagkakaluto ng gulay para manatiling malutong ang mga ito. Dagdagan ang apoy at idagdag ang binating itlog kasama ang light soya sauce. Halu-haluin hanggang kumalat ang itlog. Ihain pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |