Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang drug addiction ay karamdaman; mga lulong sa droga, may pagasa pa

(GMT+08:00) 2016-08-10 20:52:02       CRI

Pangulong Duterte, ginagawa ang lahat para sa bansa

SINABI ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat upang masugpo ang droga sa bansa at hindi na makapaghintay sa mabagal na paggulong ng katarungan.

Sa isang press briefing, sinabi ni G. Andanar na isang "action man" si G. Duterte at nagnanais na masugpo ang droga, krimen at katiwalian sa pinakamadaling panahon.

Ginamit na umano ni G. Duterte ang kanyang poder bilang pangulo at batid rin niya ang limitasyon ng kanyang tanggapan at hindi kailanman makikialam sa poder ng hudikatura at karapatan ng mga mamamayan.

Hinggil sa sinasabing posibleng constitutional crisis, sinabi ni G. Andanar na isang abogado si G. Duterte at naniniwala sa "rule of law" at nagsusulong ng judicial independence. Sa kanyang panunumpa, kinilala niya at ipinangako niyang ipagtatanggol ang Saligang Batas. Noong pangalanan umano ng pangulo ang mga hukom at ipinadala sa Korte Suprema, kinikilala niya ang hurisdiksyon ng Korte Suprema sa mga huwes. Kinikilala niya ang separation of pwoers at hiniling lamang niya kay Chief Justice Lourdes Sereno na huwag nang magsimula ng isang "constitutional crisis."

Sa paglalabas ng mga pangalan ng mga hukom noong Linggo, binibugyan lamang umano ni G. Duterte ng pagkakataon ang mga binanggit na maipagtanggol ang kanilang mga sarili at liwanagin ang ulat kung sila'y walang kinalaman sa ilegal na gawain at maipaalam sa madla kung sila'y tuwirang sangkot sa krimen. Itinataya umano ni Pangulong Duterte ang kanyang karangalan at panguluhan, dagdag pa ni G. Andanar.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>