|
||||||||
|
||
Benta ng mga sasakyan, lumago na naman
PATULOY na lumalago ang benta ng mga sasakyan sa bansa sa nakalipas na buwan ng Hulyo at umabot sa 22%. Ito ang balita mula sa Joint Marketing Committee ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association. Umabot ang benta sa 29,967 units. Karaniwang 40$ ng mga benta ang nananatili sa Metro Manila.
Tumaas ang benta ng passenger car at commercial vehicle kung ihahambing sa benta noong Hulyo ng 2015. Sa mga kotse, may nabiling 11,230 units na kinatagpuan ng paglago ng may 9.9% mula sa 10,221 units noong nakalipas na taon. Ang commercial vehicle ay nagtamo ng 30.6 % increase sa pagkakaroon ng 18,737 units na nabili noong Hulyo mula sa 14,348 units noong 2015.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, sa pagkakaroon ng financing plans at patuloy na masiglang pagbebenta ng iba't ibang kumpanya, nalampasan ang performance noong 2015.
Mula unang araw ng Enero hanggang huling araw ng Hulyo, umabot sa 197,488 units ang nabili sa buong bansa. Nangunguna pa rin ang Toyota Motor Philippines sa pagtatamo ng 43.63%, pangalawa ang Mitsubishi Motors Phillippines na nagtamo ng 18%, Ford Motor Company Philippines naman ang pangatlo sa 9.88% market share at pang-apat ang Isuzu Philippines na may 7.77% at panglima ang honda Cars Philippines na nagkaroon ng 6.51% market share.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |