|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Kalusugan, lalahok sa misyon sa Saudi Arabia
LALAHOK ang Kagawaran ng Kalusugan at tatalima sa utos ni Pangulong Duterte at magpapadala ng 14 na manggagamot at paramedical professionals mula sa iba't ibang rehiyon, pagamutan at tanggapan. Aalis sila patungong Saudi Arabia bukas at maglilingkod sa mga Filipinong stranded sa Kaharian sa loob ng dalawang linggo.
Ipinaliwanag ni Secretary Paulyn Jean Rosell B. Ubial na magsasagawa ng medical at psychological examination ng mga manggagawa at aalamin ang kalagayan ng kapaligiran sa kanilang tinitirhan. Aalamin din ang mga pangangailangan para sa psychosocial debriefing, medical consultations at panggagamot na may libreng mga gamot.
Makakasama ang mga dalubhasa ng Department of Health sa "Operation: Bring Them Home" na binubuo ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Philippine Overseas Employment Administration at Public Attorney's Office.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |