|
||||||||
|
||
Foreign remittances umabot sa higit sa US$ 14.6 bilyon
UMABOT sa higit sa US$ 14.6 bilyon ang naipadalang salapi sa Pilipinas mula noong unang araw ng Enero ng taong ito.
Ayon kay Gobernador Amando N. Tetangco, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumago ang personal remittances mula sa mga Filipinong nasa ibang bansa ng may 4.8% kung ihahambing sa naipadalang salapi noong nakalipas na taon sa halagang US$ 2.6 bilyon.
Ang personal remittances sa unang anim na buwan ng 2016 ay umabot sa US$ 14.6 bilyon at mas mataas ng 3.1 % kung ihahambing na naipadalang salapi noong 2015.
Ang padalang salapi ng mga manggagawang na sa iba't ibang bansa at may mga kontrata ng higit sa isang taon ay umabot sa US$ 11.3 bilyon samantalang ang sinahod ng mga magdaragat at land-based workers na may maiiksing kontrata ay umabot sa US$ 3.1 bilyon.
Ang cash remittances na idinaan ng mga overseas Filipino sa mga bangko ay umabot sa US$ 2.3 bilyon noong Hunyo at lumago ng may 4.8% kung ihahambing sa natamo noong 2015. Ang cash remittances ay umabot sa US$13.2 bilyon ay mas mataas ng 3.2% kaysa US$ 12.8 bilyong ipinadala noong 2015.
Ang cash remittances mula sa land-based workers ay umabot sa US$ 10.4 bilyon samantalang ang mga magdaragat ay nakapagpadala ng US$2.8 bilyon. May 80% ng mga ipinadalang salapi ay mula sa United States of America, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Germany.
Ayon naman sa Philippine Overseas Employment Administration, umabot sa 223,116 ang mga dokumentong naproseso nila para sa new hires samantalang nagkaroon naman ng 93,600 para sa sea-based workers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |