|
||||||||
|
||
NAIA Expressway, mabubuksan sa unang 100 araw ni Pang. Duterte
NAIA EXPRESSWAY, MABUBUKSAN NA. Naniniwala si Public Works and Highways Secretary Mark Villar (kanan) na mabubuksan na sa loob ng 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ang proyektong magpapagaan ng paglalakbay patungo at paalis sa NAIA Terminal 1 at Terminal 2. Maiibsan umano ang oras sa paglalakbay sa paggamit ng bagong pasilidad. (DPWH Photo)
UMAASA si Public Works and Highways Secretary Mark Villar na mabubuksan ang NAIA Expressway sa loob ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang koneksyon ng NAIA Expressway project mula Terminal 1 at 2 patungo sa Macapagal Boulevard.
Ayon kay G. Villar. sinusuri na umano nila ang mga itinayong pagawaing-bayan at sa tulong ng Department of Transportation magagamit na ito sa madaling panahon.
Lumalago ang bilang ng mga pasahero sa NAIA sa laking 9.5% bawat taon at ang halagang nawawala sa traffic ay umaabot sa P 2.4 bilyon.
May 79% na ng proyekto ang natatapos samantalang ang alignment sa Paranaque River ay 100% na.
Nagkakahalaga ito ng P17.9 bilyon at magkakaroon ng apat na linyang may habang halos walong kilometro at 2.22 kilometrong at-grade road project na dadaan sa Sales Avenue, Andres Avenue, Paranaque River, MIAA Road at Diosdado Macapagal Boulevard.
Magiging madali ang paglalakbay mula at patungo sa NAIA Terminal 1 at 2 patungo sa South Luzon Expressway sa pamamagitan ng Sales Interchange, Manila Cavite Toll Expressway at Macapagal Boulevard.
May 16 na rampang itatayo sa Villamor Air Base, Resorts World, NAIA Terminal 3, MIAA Road, Imelda Avenue, CAVITEX, Seaside Drive at Diosdado Macapagal Blvd.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |