|
||||||||
|
||
Gurong binihag ng Abu Sayyaf, pinalaya na
PINALAYA ng Abu Sayyaf ang isang gurong kanilang binihag noong Martes sa Barangay Danag, Patikul, Sulu.
Ayon sa Western Mindanao Command, kinilala ang biktimang si Adrina Bongil, isang guro mula sa Tuup Elementary School. Dinala na siya sa kanyang mga kamag-anak sa Jolo.
Kahapon ng ikalawa't kalahati, dinala ni Mayor Kabir Elias Hayudini ng Patikul si Bongil sa kanyang tahanan sa Barangay Anuling.
Nagtungo ang mga opisyal ng Joint Task Force Sulu at sinalubong ang biktima. Sumailalim na rin siya sa debriefing.
Dinukot ng apat na lalaking armado ng M-16, isang M-14, isang kalibre .45 sa Barangay Kan Ague sa Patikul noong Martes ang biktima. Walang balita kung naglagak ng ransom ang pamilya ng biktima.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |