|
||||||||
|
||
20160825 Melo Acuna
|
MAHALAGA ang papel na gagampanan ng Tsina sa rehiyon at sa daigdig. Ito ang sinabi ni Prof. Federico M. Macaranas, pinuno ng Economics Department ng Asian Institute of Management.
MAHALAGA ANG PAPEL NG TSINA SA REHIYON AT SA DAIGDIG. Sinabi ni Prof, Federico M. Macaranas, pinuno ng Economics Department of Asian Institute of Management na napapanahon ang pagsisimula ng Silk Road at Maritime Silk Road upang magkaugnay ang tatlong kontinente at sumigla ang kalakal sa daigdig. (Melo M. Acuna)
Sa kanyang presentation sa harap ng mga dalubhasa mula sa iba't ibang bansa at tanggapan, sinabi ni Prof. Macaranas na mahalaga ang pagsisimula ng Silk Road at Maritime Silk Road. Ipinaliwanag niyang ang palatuntunang ito ay nag-uugnay sa may tatlong kontinente sa pamamagitan ng kalakal at cultural exchanges.
Malaki rin ang papel ng Africa. May 100 milyong mga Tsino ang nagtungo na sa Africa at nagsimulang magkalakal at makipag-ugnayan sa mga nagmumula sa mga umuunlad na bansa.
Nagsisimula nang madama ang kahalagahan ng Asia-Pacific region sa paglago ng kalakal. Service-oriented goods ang makakamtan ng mga rehiyon sa pagkakaroon ng mga kalakal. Na sa Tsina ang isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng mga paninda at impormasyon para sa ibang bahagi ng daigdig.
Tataaas din ang halaga ng kalakal sa may 40 bansa at makakamtan ang US$ 2.5 trillion sa loob ng sampung taon at gagastos ng may isang trilyong dolyar na mula sa kaban ng pamahalaang Tsino.
Magsasama-sama ang mga kapital sa rehiyon sa pamamagitan ng capital convergence at currency integration. Ang Renmenbi ay ginagamit na sa mga bansang Mongolia, Kazakhstan, Uzbekistan, Vietnam at Thailand. Higit na gaganda ang pagtutulungan sa pamamagitan ng technical assistance sa key industries tulad ng clean technologies o clean energy.
Malaki rin ang potensyal ng Silangang Asia sa pamamagitan ng mga Free Trade Zone at Export Processing Zones. Na sa Asia ang 85% ng mga nagtatrabaho sa Export Processing Zone samantalang ang pinakamalaking Export Processing Zone ay nasa Northeast Asia at Southeast Asia na umaasa sa pagiging bukas ng karagatang nag-uugnay sa Asia sa Gitnang Silangan.
Mahalaga rin ang mga Special Economic Zone sa buong daigdig, 22% ng Gross Domestic Product ng China, 46% ng Foreign Direct Investments at 60% ng kanilang exports ang nasa Tsina. Mayroong higit sa 3,500 Special Economic Zones sa 130 bansa na nagkakahalaga ng US$ 200 bilyon sa global exports. Gumasta na ang Tsina ng may US$ 5 bilyon sa Special Economic Zones sa Africa mula noong 2000 na katatagpuan ng higit sa 200 kumpanyang Tsino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |