|
||||||||
|
||
May mga oportunidad sa paglabas ng Great Britain sa European Union
SA desisyon ng mga Ingles na umalis na sa European Union, kahit pa may mga agam-agam, ay makikita rin pagkakataong umunlad. Binanggit naman ng isang panauhin ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa krisis na kinakaharap at kinikilalang mga pagkakataon upang higit na umunlad.
Madalian silang nagkaroon ng bagong pamahalaan at nagpatuloy ang mga pakikipagkalakal. Nangangamba umano ang ilang mga Ingles sa kanilang paglisan sa European Union subalit nagkaroon sila ng pagkakataong makipag-usap sa mga kabalikat sa kalakal na hindi na idadaan pa sa European Union.
Sa kanilang paglisan sa European Union, wala umanong nararapat ipangamba ang mga Filipino sa larangan ng kalakal. "Huwag matakot" sapagkat mura ang mga paninda at kailangang bumili na bago pa tumaas ang halaga ng kalakal.
MADALING NAKABAWI ANG BREAT BRITAIN SA LAGLISAN SA EU. Naniniwala naman si Richard Graham, isang miembro ng British Parliament at Trade Envoy to the Philippines ng British Prime Minister, na tulad ng mga Tsino, ang mga problema ay nagdudulot ng oportunidad at biyaya. Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Graham na ang mga agam-agam at pangamba ay unti-unti ng nawawala sapagkat mas maganda na ang kalagayan ng kanyang bansa. (Melo M. Acuna)
Ayon kay G. Richard Graham, isang miyembro ng parliamento at Trade Envoy ng British Prime Minister sa Pilipinas, sa kanyang talumpati sa mga mangangalakal na Ingles at mga Filipino, angkop ang desisyon ng pamahalaang Duterte na dagdagan ang gastos para sa mga pagawaing-bayan at magkaroon ng limang porsiyento sa Gross Domestic Product. Angkop din umano ang paggamit sa Public-Private Partmership.
Idinagdag pa ni G. Graham na unang dumalaw sa Pilipinas noong 1984, nakita niya ang pagbabago ng bansa mula noon hanggang sa mahalal ang balo ni Senador Benigno Aquino, Jr. noong 1986.
Isang lakas ng mga Filipino ay ang pagpapahalaga sa pamilya sapagkat kailangan ito sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng bansa. Makakatulong din ang Great Britain sa mga pangangailangan ng Pilipinas mula sa enerhiya, mga sasakyan tulad ng double-decker bus at pangangailangan sa paliparan at pagpapa-unlad ng mga lansangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |