Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sama ng panahon, palabas na ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-08-26 15:57:15       CRI

Sa bawat abogadong napapaslang, nanganganib ang demokrasya

MGA ABOGADO NANAWAGAN SA MGA ALAGAD NG BATAS. Nangangamba ang mga opisyal at kasapi ng Integrated Bar of the Philippines sa pamumuno ni Atty. Rosario T. Setias-Reyes (na sa larawan) matapos mapaslang na naman ang isang abogado sa Tacloban City kamakalawa. Marapat tuldukan ang mga pagpaslang at matapos na ang imbestigasyon, dagdag pa ng samahan ng mga abogado. (File Photo/Melo M. Acuna)

SINABI ng Integrated Bar of the Philippines na nag-uugat ang masakit na biro sa bahagi ng dulang "Henry VI" ni Shakespeare na nagmungkahing patayin ang mga tagapagtanggol o mga abogado. Sa isang pahayag, sinabi ng samahan ng my 52,000 abogado sa Pilipinas na ang buod ng pahayag ay upang magkaroon ng kaguluhan at 'di pagkakaunawaan at alisin at lipulin ang mga hahadlang sa kanilang maitim na layunin at mawala sa daigdig ang mga nagtataguyod ng malayang pag-iisip, ang mga tagapagtanggol.

Ang matatag at epektibong legal profession ang isa sa pinakamabisang paraan upang hadlangan ang kaguluhan sa isang malayang lipunan. Kung ang mga abogado ay pagbabantaan ng pananakit o pagpatay sa kanilang pagganap sa kanilang sinumaang papel, nababawasan ang halaga ng batas at magtatagumpay ang mga nagnanais lumabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Sa pangyayaring ito, inulit ng Integrated Bar of the Philippines ang mga naunang pahayag na tumutuligsa sa mga pagpaslang sa mga tagapagtanggol.

Nananawagan ang IBP sa Philippine National Police at maging sa National Bureau of Investigation at iba pang alagad ng batas na kumilos upang matuldukan ang mga pagpaslang na pinalalala ng 'di malutas-lutas na pagpatay sa mga hukom at mga abogado.

Pinamunuan ni Atty. Rosario Setias-Reyes ang mga lumagdang opisyal ng pambansang samahan ng mga tagapagtanggol sa Pilipinas.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>