|
||||||||
|
||
Mayor Herbert Bautista, kapatid, inireklamo sa Ombdusman
PORMAL na inireklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption sa pamumuno ni Commodore Dante Jimenez sa Ombudsman si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kasong dishonesty at neglect of duty dahil sa pagkalat ng illegal drugs matapos mabatid na drug addict ang kanyang kapatid na si City Councilor Hero Bautista.
Nagtungo ang mga opisyal at kasapi ng VACC sa Office of the Ombudsman at nagreklamo laban sa magkapatid na Bautista sa paglabag sa Executive Order 292 o Administrative Code of the Philippines.
Sangkot umano ang magkapatid sa pagkalat ng illegal drugs sa lunsod samantalang city mayor si G. Herbert Bautista. Sabit din ang magkapatid sa paglabag sa nilalaman ng Republic Act 9165 na kilala sa pangalang Comprehensive Dangerous Drugs Act at Revised Penal Code sa kanilang kapabayaan.
Ayon kay G. Jimenez, nararapat panagutin si Mayor Bautista sa pagkalat ng ilegal na droga sa lunsod at sa serye ng mga pagpatay sa pinaghihinalaang drug pusher.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |