|
||||||||
|
||
Malawakang programa para sa drug campaign, kailangan
MALABNAW ANG PROBRAMA LABAN SA DROGA NI PANGULONG DUTERTE. Naniniwala si Congressman Gary Alejano ng Magdalo party list na dapat may nakalaang salapi sa rehabilitation at pagbuo ng comprehensive study hinggil sa mga problemang dulot ng drug addition. (Melo M. Acuna)
NANGAKO si Magdalo Party List Congressman Gary C. Alejano na magpaparating ng resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso tungkol sa kanyang kahilingan sa pamahalaang maglabas ng malawakang programa upang masugpo ang drug addition sa bansa.
Hindi umano sapat ang pagpapasuko at paghingi ng pangako sa mga drug addict na magbabago sapagkat kailangang mabatid ang pinag-uugatan ng problemang ito.
Nararapat mabatid kung saan nagmumula ang bawal na gamot, kung paano nakararating sa pamilihan at kung ano ang scientific findings upang magsabi si Pangulong Duterte na lumiliit na ang utak ng isang addict kaya't hindi na maituturing na normal na tao.
Kung totoo ang datos na na mayroong halos dalawang milyong drug dependents sa Pilipinas, hindi naman magiging madali na patayin ang mga ito sapagkat mangangailangan ng isang libo katao ang mapapaslang sa bawat araw.
Hindi malulutas ang problemang dulot ng drug addiction kung walang sapat na salapi para sa rehabilitation centers, medical facilities at mga programa ng Department of Interior and Local Government, Department of Health at iba pang ahensya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |