|
||||||||
|
||
160902melo.mp3
|
Pangulong Duterte, dadalaw sa Brunei
NAKATAKDANG dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei ngayong Linggo bilang bahagi ng kanyang pagpapakilala mula ng mahalal na pangulo ng bansa.
Ayon kay Ambassador Meynardo LB Montealegre, inaasahang lalapag ang eroplano ng pangulo sa Linggo ng hapon at magtatapos ang pagdalaw sa Lunes.
Kasama niya ang kanyang official delegation na binubuo ng mga senior government officials. Makakusap niya si Sultan Bolkiah at magiging paksa ang bilateral relations ng Pilipinas at Brunei. Mayroong 23,000 mga Filipino sa mayamang bansa.
Haharap din si Pangulong Duterte sa mga Filipino sa Linggo ng gabi.
Ikinagalak ni Ambassador Montealegre na sa kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Duterte ay Brunei pa ang kanyang napiling dalawin. Sa Lunes nakatakda siyang maglakbay patungong Laos para sa ika-28 at ika-29 na ASEAN Summits and Related Summits mula sa Ika-anim hanggang ika-walo ng Setyembre bago maglakbay patungong Indonesia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |